top of page
Search
Writer's pictureGloremay Ann

TWICE party list


First semester of the academic year 2017-2018, I got a chance to be involved in my Department and became an officer of the organization Philippine Institute of Civil Engineers - It was my first ever officership in my entire academic life. All through out my experience as a student leader in my organization and in my department, my eyes and mind got open and my eagerness and will to serve went deeper and profound.


Second semester of the same academic year, with the help, support, and trust of my seniors and friends on my capability as a leader, I wholeheartedly made up my mind to run for a position in my department, the Civil Engineering Department as a student council officer.


Napaka-raming nangyari. Hindi pa nagsisimula, ang dami nang naging problema. Nung mga panahong malapit na mag-announce ng official candidacy, nawalan na 'ko ng pag-asa kasi gustung-gusto ko talaga maging parte ng Civil Engineering Department Student Council pero alam kong malabo na na magkatotoo. Isang linggo bago ang official announcement, sumuko na 'ko, tinanggap ko nang hindi na 'ko makaka-takbo. No'ng mga panahong iyon, talagang nakaka-lungkot at nakaka-panlumo.


Pero eto, totoo nga na once you accepted your defeat wholeheartedly, 'di ka naman talaga o laging talo e, may nakuha kang lesson do'n at yung premyo ko, sumunod, isang blessing. Kinaumagahan, may nag-aya sa akin na tumakbo at agad-agad sinabi sa'kin, "Ate, ikaw President namin." Grabe 'yung galak ko nung araw na 'yon. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko; Masaya siyempre dahil ang galing, eto binigyan pa rin Niya ako ng isa pang pagkakataon. Pangalawa, kaba dahil haharap ako sa maraming tao, kailangan kong kunin ang loob nila, kailangan kong magpakilala at isa pa, pressure din dahil binigay nila sa akin yung tiwala nila para mag-lead and guide sa kanila. Ganunpaman, nangingibabaw 'yung kagustuhan kong maging Student Leader sa aking department.


Dahil sa pangyayaring 'yon, nabuo ang partidong TWICE. Unang pagsubok para sa'min ay kung paano kami magpapakilala dahil unang-una, talagang bago pa lang kami bilang partido kahit na sabihin nating kilala ang pangalang TWICE bilang k-pop girl group, siguro advantage na rin namin 'yon para mas tumunog ang aming pangalan. Pero dahil kwela ang mga ka-partido ko at unlimited ang mga naiisip naming gimik para sa kampanya, nagawa naming paingayin ang aming pangalan. Tamang enjoy lang talaga. No pressure, ika nga.


Watch our party list teaser here.

Watch our flash mob here. First ever flash mob done as campaign strategy in T.I.P.- QC.

Watch our room-to-room campaign here.


Kaya naman, sa lahat ng mga tumulong sa akin at sa aming partido no'ng mga panahong 'yon, I am forever grateful for your help and support. Sobra. Hindi ninyo alam kung paano niyo naitutulak pataas ang tiwala sa sarili namin. Talagang hindi ko kayo makakalimutan, TIP Talents Guild at 'don sa dalawang SHS, sa mga kaibigan namin sa iba't-ibang Engineering Department, napaka-solid niyo sumuporta. Sa aming campaign managers, sila kuya Jetter at kuya Juni, maraming salamat sa pag-guide sa'min. Sobrang grateful ko lang talaga sa inyong lahat na pati 'yon naisulat ko pa rito. Ayaw ko kasi kayong makalimutan at naging mahalaga na kayo sa'kin. Lalong lalo na sa mga seniors ko sa organization ko na PICE, katapusan na ng taong 2019 eto grateful parin ako sa inyo. Hindi ninyo ako pinabayaan.


It was a blessing. Everything that happened was a pure blessing. 'Yung buong journey, experience at kung saang partido ako napunta; 'yung mga taong nakasama ko, lahat kayo na naging parte ng kwento ko, Blessing.


Hindi man kami pinalad manalo bilang isang partido, hindi naman ibig sabihin non talo na kami hanggang dulo. We just have to look the beauty in every thing that happened to us. In life, it is either you win or you learn, and in learning didn't you win as well?


Keep learning, keep living! Keep finding your purpose! Again, For equality, integrity, and sympathy, TWICE party is the key!

51 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page