top of page
Search
Writer's pictureGloremay Ann

lowkey 'subtle clown trait'



///////// UNPROFESSIONAL-INFORMAL BLOG POST/////////


March 27, 2020 09:56PM Home Quarantine: Day 12


Hindi ko alam pano sisimulan ang madramang blog post na 'to haha. Pero I would just like to dedicate this blog to the guy I'm into recently haha. I'm not trying to be cheesy nor trying to show self pity. I just want to write this to remind my self that I don't deserve a guy like you. I don't deserve you.


I'm not mad at you. Hindi ako galit, hindi ako marunong magtanim ng galit. Okay tayo, okay ka sa'kin pero hindi lang talaga ako nakakalimot.


Inis ako sa mga taong ganyan ang gawa. Anyway my lovely readers, iniwan kasi ako, sinilent-treatment, ghinost. Hindi na bago yung gantong issue no? Ghosting? Normalize na kasi haha. Pero yun nga, ramdam ko na ilang araw bago niya 'ko totally i-ghost, nagbabago na siya like what guys 'normally' do. Sa una lang magaling. Kumbaga sa business kung iga-graph mo yung sales niya, lagapak agad pagkaraan lang ng ilang buwan e. Hindi na kasi trend. Hindi na bago.


Kahit nararamdaman ko 'yung unti-unting pagbabagong 'yon, nanatili akong consistent sa kanya. Nanatili akong unbothered. Kasi gustong-gusto ko na siya that time e. Nasanay na 'ko. Sinanay niya ako. Alam niyo yung pinasok ko 'yung soul niya kasi bukas e, hinayaan niya akong makapasok. Nakilala ko siya sa bawat malulungkot na kwento at problema niya.


Nagustuhan ko sa kanya kung gaano siya kawalang tiwala sa sarili niya dahil kesyo baka 'di ko raw siya magustuhan; ang baba ng tingin niya sa sarili niya. Iniisip niya na walang tatanggap sa kanya ng dahil sa 'ganon' siya. Pero ang pinaka-dahilan kung bakit ko siya nagustuhan at bakit ako naging sigurado sa kanya dahil sa wala siyang kasiguraduhan. Ang lala ng trust issues niya sa mga tao pero sinusubok niya pa rin mag-tiwala. Gaya ko, napaka-lala ng trust issue ko sa lahat ng bagay. Alam mo yan (kung binabasa mo man 'to haha).


Pero 'yun kasi purpose ng love, 'yun din yung thrill at sacrifice na kailangan mong gawin. Kung paulit-ulit na may sisira ng tiwala mo, kawawa. Patuloy ka ring masisira. Mawawalan ka na ng gana. Wala nalang sa'yo ang bagay kasi manhid ka na. Like, Ay nagawa na yan sakin dati, wala na yan.


Iniisip niya na lahat ng babae gaya nung babaeng pinag-palit sila sa iba. Doon niya ako nakuha. Sa isip ko, kung gan'to mindset neto, takot na 'to sumubok ng sumubok. Pero hindi e. Basta gusto ko siya at sigurado na ako sa kanya kasi yo'n ang pinaramdam niya nung una.


Fast forward sa ber months, nanlalamig na nga. Tas December, ayon nawalan na ata ako ng kumot. May hosting event pa ako nung araw na 'yon. Big day kasi buong araw yon e. Buong araw din ako nag-aabang ng message sa kanya. Second day na niyang di nagpaparamdam non. Imagine gaano ako ka-lungkot pero kailangan ko magmukhang masaya kasi ang malaking event hawak ko. Isang message lang sana, okay na'ko para mawala kahit papano yung pagod. Kahit pilit sana pero wala. 2 nights and 2 days ata, kahit wala akong nakukuhang sagot, nagmemesage pa rin ako. Kahit feeling ko naka-ignore message ako, kinakamusta ko parin siya. Sa lahat ng mediums na pwede siya macontact, ginawa ko. Kasi sa isip ko, kung papairalin ko rin pride ko, ako rin magsisisi bakit walang nangyari.


Gumawa ako ng ibang paraan. Kinapalan ko na talaga mukha ko sabi ko last na yon. Nag-message ako sa isa sa mga friend niya. Nakiusap na ako kasi sobrang naapektuhan ako sa lahat ng aspeto e haha. Nakiusap ako na kahit sana mula sa kanya nalang ako makakuha ng sagot. Para matahimik nalang ako. Hindi na ako umasa no haha. At ayon nga, may kabutihang taglay naman tong kaibigan niya kahit papaano, sinabi niya na sakin ang totoo. Ghinost na nga talaga ako. Kesyo marami siyang kausap, typical na issue ng mga lalaki.


Sa sinabi niyang 'yon medyo naginhawaan na 'ko. Okaay na ako. I did my part. Hindi ako nagsinungaling sa kanya. Hindi ko siya niloko. Naging consistent ako sa kanya kahit sobrang doubtful niya sa term na consistent, pinatunayan ko yon sa kanya. Those words wouldn't exist if it really does not. PInatuyan ko sa kanya na hindi lahat ng babae gaya nung babaeng pinagpalit sila sa iba.


Nakakalungkot lang kasi ang daming tao, sa mali nanaman ako napunta. Minesweeper lang ang peg. Bomba agad napindot ko e haha. Isa pang nakakalungkot, wala siyang piniling iba. Pinili lang talaga niyang maging ganon siya. Basta hindi naman ako ang talo rito, ginusto kita. Buong buo sige kung ikatataas ng ego mo yan bilang lalaki. Hindi kita deserve at mas lalong hindi mo Ako deserve.


Okay ako sa'yo.

Ayaw ko lang malimutan na may taong naging unfair sa akin. Isinabay ako sa iba. Naging sinungaling sa panahong buong buo ang tiwala ko sa kanya. Ayaw ko lang makalimot na may mga ganong tao talaga para kung sakaling may dumating nanaman, alam ko na, 'di na papapasukin siyempre haha. Hatid na agad sa labas. Also, sa mga readers ko nasa tamang edad na kayo alam niyo na ang tama at mali, paulit-ulit nalang. 'Wag na 'wag na kayong pumasok sa buhay ng tao kung manggugulo lang kayo, gago ka ba?! haha


Sabi ko nga sa kaibigan mo, bata ka pa (HAHAH) may dahilan kung bakit nag-gaganyan ka. Most probably because guys are 80% fuckers haha. Makakahanap ka rin ng katapat mo, ganyan din ako dati e hahahahha pero iba naman! Alam ko namang hindi fully commited yung mga 'yon at hindi ako nang-gghost, nagsasabi ako! HAHAH


PEACE! Naalala lang kita kasi mag-isa ka lang ngayon, lockdown na rin diyan sa inyo. Kawawa stranded hahaha, ingat ka palagi!


Ang daming twist and turns netong kwento ko e noh, pinapanatili ko kasing kalmado at bati on both sides hahaha. Pakinggan niyo nalang to, shortone miluv


11:26PM na ako natapos. ang bagal kasi ng laptop ko na sabi mo ikaw pa mag-aayos. HMPKK

92 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page