top of page
Search
Writer's pictureGloremay Ann

pa-hinga


Sa mundong patuloy sa pag-ikot,

kasabay nito mga taong 'di matigil sa pag-libot.

Sa mundo ring ito ay kasama tayo,

parehas tayong nag-iikot.

ang pag-kakaiba nga lang natin sa kanila,

mag-kasama tayo.

At kung sakaling mapagod,

'di mag-aalala,

dahil pahinga natin ang isa't-isa.

Ikaw ang aking pahinga.


Kahit sandali, pinipili kong mag-pahinga

para kumustahin, titigan ka.

Hindi pa naman nakaka-pagod ang pag-lilibot,

gusto ko lang talagang huminto,

makasama ka.


Hindi ko alam ano at paano nangyari.

hindi lang pala ako ang iyong pahinga.

akala ko sa aking bawat hakbang,

kasabay kita.

Kaya pala may oras na pakiramdam ko ako'y mag-isa.

habang ako'y nagpapatuloy -

ikaw nagpapahinga na pala kasama ang iba.



Habang ikaw ay nagpapahinga,

ako naman 'tong si tanga, napagod mag-libot mag-isa.

sandaling huminto, hindi para mag-pahinga,

nagbabaka-sakaling makasabay ka pa.

Paano makakapag-pahinga kung wala ka?


Eto na nga, kakapahinga mo pa lang,

muli kang nag-pahinga.

Salamat at naka-abot ka.

Hinihintay kita,

dahil kahit naka-hinto na ako,

ikaw pa rin ang tanging pahinga,

kahit na alam kong ilan kaming iyong pahinga.


Gano'n ka-tanga,

hihintayin ka mula sa iyong pagkaka-pahinga

nang sa gayon,

ako naman ang makapag-pahinga.



 

Ikaw lang ang pahinga. (251019)

Shirt from Unhinged.COxTIMELESS -

"Sometimes all we need is someone to talk to"


"pa-hinga" - to breath


42 views0 comments

Recent Posts

See All

Commenti


bottom of page